Big Time Visayas Drug Lord KERWIN ESPINOSA, nahuli sa ABHU DHABI


MANILA, Philippines —  Nahuli na sa wakas ang umano'y Drug Lord na si Rolando “Kerwin” Espinosa Jr. sa Abu Dhabi, ayon kay Philippine National Police Chief Ronald "Bato" Dela Rosa.
Ayon kay Dela Rosa na nadakip si Espinosa kaninang alas-2 ng madaling araw sa tulong ng mga awtoridad ng Abu Dhabi.
Inaasikaso na rin umano ang mga kinakailangang papeles upang maibalik sa bansa si Espinosa.
“I dont know kung matapos na yung document requirements today, baka bukas puwede na sila bumyahe. If not, first available flight right after suspect is cleared to travel to the Philippines,” pahayag ni Dela Rosa.
Kabilang si Espinosa at ama nitong si Albuera Mayor Rolando Espinosa Sr. sa listahan ng mga taong may kinalaman umano sa ilegal na droga na iniutos ni Pangulong Rodrigo Duterte na “shoot-on-sight."
Naunang nang sumuko ang ama niya noong Agosto kay Dela Rosa kung saan inilaglag nya ang anak nito bilang kasabwat sa mga nagpapalakad ng illegal na droga sa New Bilibid Prison. Agad nakalaya ang nasabing Alkalde ngunit naaresto muli matapos mahulihan ng mga armas at illegal na droga sa loob ng kanyang bahay.
Ipinahayag naman ni Justice Secretary Vitaliano Aguirre II, na posibleng bigyan si Espinosa ng immunity sa oras na pumayag itong maging testigo laban kay Senator Leila de Lima. 
"Mabuti naman at least we could have an additional witness," , "Kung papasa sa assessment sa WPP, then we are going to offer immunity to Kerwin," ani ni Aguirre.
Isang larawan ang kumakalat ngayon sa social media kung saan magkasama si Espinosa at de Lima. Nagbigay naman ng pahayag si de Lima na hindi nya kilala si Espinosa at hindi umano sapat na ebidensya ang nasabing larawan. 
"It's for us to show that there are more than what appears on the picture," pahayag ni Aguirre.
Inaakusahan ni de Lima na gawa gawa lang umano ng Gobyerno ni Pangulong Duterte ang lahat ng ebidensya laban sa kanya. Ginagamit lang umano ni Duterte ang mga nasabing Bilibid inmates upang tumestigo at siraan siya.
Big Time Visayas Drug Lord KERWIN ESPINOSA, nahuli sa ABHU DHABI Big Time Visayas Drug Lord KERWIN ESPINOSA, nahuli sa ABHU DHABI Reviewed by Jhon on 08:15 Rating: 5

No comments:

Powered by Blogger.