GOODBYE DE LIMA Firecracker, pinatakbo si BATO

BOCAUE, Bulacan - Nakulimbat ng pulisya ang ilang illegal na paputok na pinangalanang "Goodbye De Lima" sa pyrotechnics center sa Bulacan noong Huwebes. Habang ipriniprisinta ni Philippine National Police (PNP) chief Director General Ronald "Bato" dela Rosa ang nasabing paputok, bigla itong naglabas ng usok na naging sanhi ng pagtakbo at pagtago ni Chief Bato at iba pa.



Maikita sa video footage ng ABS-CBN News na nagtatawanan pa sila Bato sa pangalan ng nasabing paputok.


Isang police officer ang kumuha sa nasabing paputok at binuhusan ito ng tubig.
"Nahulog lang, sir, 'yung powder. Nag-leak lang yung powder, sir."  pahayag ng pulis kay Bato.


"Iyung firecracker na iyun, nakakatakot eh. Umusok bigla, 'di ba? Napakalakas ng power nung rebintador na iyun. Ewan ko kung may bad omen iyun o what. Ang importante, hindi tayo nasabugan," pahayag ni CHief Bato.
"Bahala na kung kantyawan niyo ako na tumakbo ako, okay lang sa akin iyun. Kayo nga, tumakbo din kayo. Iniwan n'yo kami e, patas lang tayo,"




Nagbigay naman ng tour sa legitimate pyrotechnics stores sa Halili Avenue, Barangay Turo si Bocaue Mayor Joni Villanueva.
"Sana po ang puntahan po natin ay yung mga legitimate na mga tindahan. Sila po yung may mga sariling pwesto at makikita naman po yung kanilang business permit ... Para rin po maturuan tayo sa proper handling ng mga paputok na ito," pahayag ni Villanueva.







GOODBYE DE LIMA Firecracker, pinatakbo si BATO GOODBYE DE LIMA Firecracker, pinatakbo si BATO Reviewed by Jhon on 07:45 Rating: 5

No comments:

Powered by Blogger.