Bangkay ng pinugutang GERMAN national, natagpuan na


Natagpuan na ang bangkay ni  Juergen Kantner, isang German, na pinugutan ng ulo ng mga Abu Sayyaf sa IndananSulu.
Si Kantner, 70, ay dinukot ng ASG sa Sabah noong Nobyembre 2016 kasama ang kanyang misis na si Sabine Merz habang sakay ng kanilang yate. Ang bangkay ng kanyang mi­sis ay hubo’t hubad na natagpuan matapos na gahasain pa ng mga kidnaper. May tama rin siya ng bala sa ulo at iniwan ang bangkay sa inabandonang yate sa karagatan ng Tawi-Tawi noong Nobyembre 6, 2016.
Kinumpirma ng pamahalaan at ng militar ang pagpugot kay Kantner noong nakaraang Pebrero 27. 
Nadiskubre ang bangkay ni Kantner sa Sitio Talibang, Brgy. Buanza, Indanan Sulu, dakong alas-5:45 kamakalawa ng hapon.
Close Ad X


Bangkay ng pinugutang GERMAN national, natagpuan na Bangkay ng pinugutang GERMAN national, natagpuan na Reviewed by Jhon on 07:23 Rating: 5

No comments:

Powered by Blogger.