Naaagnas na bangkay, natagpuang nakasabit sa puno ng mangga

Natagpuan noong Biyernes ng umaga ang bangkay ng isang naaagnas na lalaki na nakasabit isang puno ng mangga sa Barangay San Francisco sa Lubao, Pampanga.
"Nakita nung isang magpapapatubig sa palayan na bigla na may tao," pahayag ni SPO1 Nelson Visario. Tinatayang 4 hanggang 5 araw na umanong patay ang biktima.
Kinilala ang lalaki na si Joel Manacmul, 33, suspek sa panggagahasa ng isang menor de edad.
"Alam ko po yun yung suot nyang shorts at damit nung umalis siya... Pinaalis ko siya kasi ni-rape niya anak ko nagsumbong sa tita niya mula pa grade 4 ngayon grade 6 na," ani Donna, live-in partner ng biktima.
Inaalam pa ngayon ng pulisya kung may foul play o nagpakamatay ang biktima.
Naaagnas na bangkay, natagpuang nakasabit sa puno ng mangga Naaagnas na bangkay, natagpuang nakasabit sa puno ng mangga Reviewed by Jhon on 11:09 Rating: 5

No comments:

Powered by Blogger.