UP graduate, nawawala matapos pumasok sa unang araw ng trabaho



Humihingi ng tulong ang pamilya ni UP – Los Baños, Laguna graduate na si Michael Kenneth Cruz na nawala noong isa pang linggo.

Si Cruz, 23, ng Pasig, isang licensed chemical engineer ay nagtapos na magna cum laude noong 2015 at bunso sa kanilang pamilya.



“Wala po siyang kaaway, napakabait na bata po ni Michael. Wala po akong idea kung bakit siya nawala,”ani Dolores Cruz, ina ng biktima.

Sa panayam naman ng ABS CBN kay Andrea Baule, girlfriend ni Cruz, maagang umalis si Cruz mula sa Pasig para sa kaniyang unang araw sa trabaho sa isang food and beverage company sa Balayan, Batangas.

Nagpadala umano ng text message ang kaniyang kasintahan dakong alas-4 ng umaga.

“Sabi niya po sa akin maglalakad-lakad po muna siya kasi naghihintay pa ‘yung bus ng pasahero,” ani Baule.

Sinubukang ni Baule si Cruz dakong 7 n.u. ngunit bigo na itong ma-contact.

Kinabahan na si Baule nang tumawag ang kapatid ni Cruz upang tanungin kung nasaan ito. Nakatanggap umano naman ng tawag mula sa kumpanya ang pamilya na hindi nag-report si Cruz sa trabaho.

Agad namang nag-file ng missing person report ang pamilya ni Cruz sa Pasay City-PNP.

Si Cruz ay may suot na gray jacket at may dalang itim na bag nang umalis papuntang trabaho.
UP graduate, nawawala matapos pumasok sa unang araw ng trabaho UP graduate, nawawala matapos pumasok sa unang araw ng trabaho Reviewed by Jhon on 10:04 Rating: 5

No comments:

Powered by Blogger.