Ama, Ina, kapatid kabilang sa mga namatay sa Resorts World Manila Attack

Umabot sa 37 tao ang namatay nang mamaril ang isang lalaki at magsunog sa loob ng Resorts World Manila. Karamihan sa mga biktima ay namatay matapos makalanghap ng usok. 13 sa mga namatay ay empleyado ng casino habang 22 naman ay mga bisita. May dalawa pang bangkay na hindi pa nakikilala.

Hazel Yongco 

Graduate ng Centro Escolar University at isang employee sa Resorts World.
“RIP Haze Yongco mamimiss ka nmen… We love you kaibigan mommy longlegs,” pahayag ng isang kaibigan niya sa facebook.

Jessica Alindogan

Si Jessica ay supervisor sa Resorts World at Siena College Q.C. graduate. Iniwan nya ang kanyang asawang si Michael at anak na si Micah.
“Thank you for all the patience and understanding.. We love you so much,” pahayag ng kanyang asawa sa kanyang facebook account, dalwang linggo na ang nakakalipas.

Jellah Ramos Tabuena

“Sana panaginip na lang lahat ‘to,” pahayag ng kanyang best friend sa facebook. Si Jellah ay isang batang ina at asawa at supervisor sa casino.

Arvi Gavino

“Heaven gained another beautiful soul today,”pahayag ng isang kaibigan niya sa kanyang facebook account. Inulila ng insidente ang kanyang asawa at dalawang anak na lalaki.

BJ Pagsibigan 
“Today we lost a very kind-hearted brother, friend, son, husband and a father,”  “We will forever cherish the memories and the love you have shared with us.”pahayag ni Ayie Viola.
Si BJ Pagsibigan na nagtatrabaho sa Resorts World Manila ay may dalawang anak. Kaarawan ng kanyang anak na si Gavin bukas. Isang araw matapos mamatay ng kanyang ama.

Rojie Uy
Nagtatrabaho bilang VIP host, si Rojie ay ina ng 2 anak, edad 5 at 8 taong gulang.

Merylle Guen Ala
“My pamangkin is no longer with us… Mabait na pamangkin. Mapagmahal sa magulang. Dami mo pa pangarap. Dahil dami mo sinabi sa akin nuon..,” pahayag ng kanyang tyahing si Lhar Nazareno sa Facebook. Si Merylle ay casino dealer sa Resorts World.

Loudette Santos


“Rest in peace tita… wala komg masabi sa kabaitan mo isa ka sa mga tumulong samin noon…Ang dami kong thank you sayo.” pahayag ng kanyang pamangkin sa facebook.

Leah Grace Mozo


“Mamiss kita ate… salamat sa lahat ng tinuro mo sa’kin,” pahayag ng kanyang kasamahan sa trabaho. SI Leah ay isang ring empleyado sa casino.

Kay Noguera


Noong May 24 inupdate ni Kay ang kanyang facebook cover photo ng larawan ng kanyang sarili at may caption na “The END.”
“May pahiwatig pala nag post mo.” komento ng kanyang kaibigans a facebook.
“You will be remembered,”.
“Mahal ka namin,” pahayag ng kanyang mga kaibigan sa facebook..

Jaime Gaboy Jr.

CEO ng the Sacred Heart Savings Cooperative.
 "I was hoping the news will be revised, that your name was just written based on the hotel's booking list and not as an identified body... But then, it was confirmed... My heart broke and saddened 😪😪😪 You will surely be missed manong ko Jim Jaime Gaboy Jr.. Wala na akong ka chit-chat the way we usually do when I come home. My thoughts and prayers goes out to manang Sally and the kids. May God's comfort be with them. I salute a man who fought a lot for the betterment of our young generation and been a voice to many in the process of pogress in our hometown Galimuyod, Ilocos Sur. Be at peace now with our Creator. Till we meet again." pahayag ni Angelie Balaleng Bernal sa facebook.

Ariel Abrogar
Si Ariel Abrogar ay guest sa Resorts World Manila. Graduate ng University of Santo Tomas ng engineering.
“Maraming salamat po!!! Napakaswerte ko kasi isa ako sa pinagkatiwalaan mo, sa personal na buhay man o trabaho… Salamat sa pagmamahal na ipadama mo sa akin, ano man ang narating ko sa Fujihaya yan ay dahil sayo. Hinding-hindi kita makakalimutan. Sa lahat ng saya at lungkot, sa mga payo at turo mo, MARAMING MARAMING SALAMAT SIR ARIEL!” pahayag ng isa niyang katrabaho sa facebook.

Eleuterio Reyes


“Rest In Peace, Tito Taroy. Thank you for the fun childhood which you painted with broad and fine strokes of generosity! You will always be one of the coolest,” pahayag ni David Cosico sa Facebook.
Kasama niya ang kanyang asawang si Azenith sa Resorts World Manila nang maganap ang pag atake.


Rolando Pena Sison
“Farewell to our former boss and dear friend Rolando Pena Sison (RPS), one of the fatalities of Resorts World Manila attack,” pahayag ni Danilo Mamaril sa Facebook. Si Rolando ay isang guest sa casino.

Elizabeth Gonzales


Si Elizabeth Gonzales ay asawa ni Pampanga Rep. Aurelio “Dong” Gonzales Jr.
"My condolences to my colleague Congressman Gonzales for his loss. I join him in prayers for the eternal rest of his wife’s soul," pahayag ni Quezon City Representative Alfred Vargas.

Carmelita Taylo Dela Cruz
SI Carmelita Taylo Dela Cruz ay isang guest sa Resorts World Manila.
“My Ninang Mameng na mbait na wala ko masabi….” pahayag ng kanyang inaanak sa facebook.
“We will miss you,”sulat ng kanyang pamangkin.

Antonina Yuzon Allanigue
“Many thanks to you. We love you,” post ng kanyang pamangkin na si Jerick.

Ang ilan pa sa mga kinilalang namatay ay sina Melvin Herrera, Lai Yu Cheeh, Lai Wei Chung, Pomenciano Vargas Jr., Mielle Oliveros, Antonina Yuzon Allanigue, Cliff Reyneira, Caccam Katherine Cervantes, Susan Abulencia, P Ling Hung Lee, Pamela Silvestre, Pacita Guillermo Comquilla, Sheila Malicse at dalawa pang bangkay na hindi pa nakikilala.
Ama, Ina, kapatid kabilang sa mga namatay sa Resorts World Manila Attack Ama, Ina, kapatid kabilang sa mga namatay sa Resorts World Manila Attack Reviewed by Jhon on 11:49 Rating: 5

No comments:

Powered by Blogger.