CASE CLOSED: Pagkakakilanlan ng gunman sa Resorts World, tukoy na

Natukoy na ng pulisya ang pagkakakilanlan ng gunman na umatake sa Resorts World Manila noong Biyernes kung saan 37 ang nasawi. 
Positibong kinilala ng kanyang mga kamag-anak ang gunman bilang si Jessie Carlos, 42 taong gulang at dating empleyado sa One Stop Shop ng Department of Finance, pahayag ni National Capital Region Police Office (NCRPO) Director Chief Supt. Oscar Albayalde.
Si Carlos ay natanggal sa trabaho sa kasong grave misconduct and neglect of duty dahil sa hindi pagdeklara ng kanyang house and lot sa Manila sa kanyang 2003 hanggang 2006 SALN, Toyota Innova SUV noong 2007 at kanyang business interest noong 2010.
Baon din sa utang ang suspek, pahayag ni Albayalde.

"Highroller siya, his minimum bet is usually P40,000 kaya siya nalulong nang nalulong sa sugal," 
"He has a bank account with an outstanding debt of P4 million, and several other non-bank related debt," dagdag pa ni Albayalde sa press conference.
Noong Abril 2017, pinagbawalan siya ng Philippine Amusement and Gaming Corporation na pumasok sa loob ng kahit anong Casino sa bansa, sa hiling narin ng kanyang mga kamag-anak.



"This could have probably triggered him kaya galit na galit siya sa (and that is why he was enraged with) casino," dagdag ng opisyal.
Naglabas din ng CCTV footage si Albayalde kung saan makikitang bumili ng 3 litrong gasolina si Carlos bago sumakay ng Taxi papuntang Resorts World.

CASE CLOSED: Pagkakakilanlan ng gunman sa Resorts World, tukoy na CASE CLOSED: Pagkakakilanlan ng gunman sa Resorts World, tukoy na Reviewed by Jhon on 21:16 Rating: 5

No comments:

Powered by Blogger.