Mag-iina pinatay at pinagnakawan; suspek: 2 katiwala

Karumal-dumal ang sinapit ng inang si Jonalyn Geranta at kanyang mga anak sa loob ng kanilang sariling bahay sa Domingo, Nueva Ecija. Ginahasa muna ng mga suspek ang ina saka ito pinatay at ang kanyang anak. Pinagnakawan din ang mag-anak ng mga alahas at pera na nagkakahalaga ng kalahating milyong piso. 

Patay mula sa mga saksak sa dibdib si Jonalyn Geranta habang basag naman ang bungo ng tatlong taong gulang niyang anak.




Sa kabutihang pala, himalang nakaligtas ang isa pang walong taong gulang na anak ni Geranta matapos itong magkunwaring patay at nakapagsumbong sa kanyang lolo kinabukasan.

Ayon sa imbestigasyon ng pulisya, Biyernes nang pasukin ng mga suspek na nakilalang s, ang gate ng bahay ng mga biktima.

Nahuli ang dalawang suspek sa follow-up operation ng mga pulis na sina Gabriel Antido alyas Dodong at Placido Villanueva alyas Jimmy, pawang katiwala sa bahay ng pamilya Geranta.

Idiniin ni Villanueva si Antido, at sinabing ito ang pumatay sa mga biktima. Ayon pa kay Villanueva, iniuntog nila ang mga bata para walang maging testigo sa krimen.

Ginahasa umano ng mga suspek ang biktima bago pinatay at pinag-uumpog umano ng mga suspek ang dalawang bata at itinapon pa sa banyo ang isa.

Wala ang asawa ng biktima nang mangyari ang krimen dahil kasalukuyang nagtatrabaho ito sa Romblon bilang photographer.

Kasong rape, double homicide at frustrated homicide ang haharapin ng mga suspek.
Mag-iina pinatay at pinagnakawan; suspek: 2 katiwala Mag-iina pinatay at pinagnakawan; suspek: 2 katiwala Reviewed by Jhon on 02:42 Rating: 5

No comments:

Powered by Blogger.