7 arestado sa paggamit ng Fake Airport Security Access Passes sa NAIA
MANILA - Iniimbistigahan na ngayon ng airport police ang pitong empleyado ng fast food chains sa loob ng Ninoy Aquino International Airport-Terminal 3 (NAIA-T3) matapos umanong mahuli ang mga ito ng pekeng airport security access passess sa.
Ayon sa report ni Col. Tim Cruz, commander ng airport police sa NAIA-T3, sa General Manager ng Manila International Airport Authority (MIAA) na si Ed Monreal , ang mga tauhang sinasabing nameke umano ay sina Joemar Dulin, assistant manager, at service crew members Mark Kevin Rosquiros, Abbygael Trisha Cornel, Jones Bataller, Mark Anthony Rementilla, Jayrold Murillo at Richile Lipio ng McDonald's sa NAIA-T3.
Inaresto ang pito matasto gumamit ng photocopied na access passes. Hindi pa nila inilalahad ang motibo ng kanilang ginawa. Ayon sa anim na crew members, ang assistant manager nila na si Dulin umano ang may kagagawan sa pamemeke.
Lahat ng airport personel ay nangangailangan ng security access pass upang malaman ang kanilang pagkakakilanlan bago sila makapasok sa mga restricted airport zones.
"We take these things seriously, regardless of their intention, airport security and safety of all is our primordial concern," pahayag ni Monrel.
Samantala, nagpahayag naman ang isang opisyal ng McDonald's Philippines na kinuwesyon lang umano ang mga empleyadong nabanggit at pinagsulat ng incident report. Nilinaw din ng nasabing opisyal sa ABS-CBN News na wala umanong pamemekeng nangyari at di naaresto ang 7 tauhan. Nakabalik na rin umano sa trabaho ang 7.
Maglalabas umano ng official statement ang Mcdonalds sa pangyayari.
7 arestado sa paggamit ng Fake Airport Security Access Passes sa NAIA
Reviewed by Rondownload
on
21:57
Rating:
No comments: