Mga Preso sa Cebu HINUBARAN sa isinagawang Drug Raid



Kumakalat ngayon sa social media ang mga litratong ipinalabas ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at provincial police kung saan walang saplot ang mga preso habang nakaupo sa quadrangle habang ginuguwardiyahan sila ng mga armadong pulis sa Cebu Provincial Detention and Rehabilitation Center.

Ayon sa interview ng Arangkada kay DYAB, PDEA Regional Director Yogi Felimon Ruiz, inaako umano niya ang responsibilidad sa nasabing operasyon. Isinagawa ang raid ng madaling araw noong Martes matapos sabihin sa kanya ni Cebu Governor Hilario Davide III sa isang text message na nakatanggap siya ng inpormasyon na mayroong illegal na droga at iba pang mga kontrabandong gamit sa loob ng CPDRC.

Nakumpiska sa raid ang 80 cellphone units, laptops, matatalim na armas, dahin ng Marijuana, P90,000 halaga ng pera, at 19 sachets ng hinihinalang shabu mula sa mga selda.

Naobserbahan naman ni Ruiz na hawak ng mga preso ang susi sa kanilang selda. Kumakatok lang umano ang mga jailguards sa selda para pagbuksan sila ng pinto ng presong may hawak na susi.
Samantala, ang Jail warden ng CPDRC na si Dr. Gil Macato  ay di pa nagbibigay ng statement. Wala rin siya sa nang isinagawa ang raid. Tinanggal na ngayon sa kanilang pwesto at iniimbistigahan ang jail warden at mga jailguards ng piitan 

Umani naman ng batikos ang nasabing raid mula sa publiko. 

“This incident clearly amounts to cruel, inhumane and degrading treatment of prisoners,” pahayag ng Amnesty International.

Iginiit naman ni provincial government information officer Jethro Bacolod na isang standard operating procedure (SOP) ang pagpapahubad ng mga preso kapag may isinasagawang raid.








Mga Preso sa Cebu HINUBARAN sa isinagawang Drug Raid Mga Preso sa Cebu HINUBARAN sa isinagawang Drug Raid Reviewed by Jhon on 10:17 Rating: 5

No comments:

Powered by Blogger.