National ID system, lusot na sa Kamara
MANILA - Pumasa ngayong araw ang ang substitute bill para sa Filipino identification system sa House committee on Population and Family Relations. Ang panukalang batas na magbibigay sa mga Filipino na edad 18 pataas ng iisang ID para sa lahat ng bagay -- mula sa pagboto hanggang sa pagmamaneho.
Nagbigay ng unanimous approval ang mga miyembro ng komite para sa Filipino Identification Act.
"Kung dati, napakarami nating ID, halos masira ang wallet natin sa dami ng kailangang iprisintang ID, sa pamamagitan nito ay isa na lang gagamitin nating ID at nag-identify tayo na magagamit ito sa iba-ibang ahensya ng gobyerno," pahayag ng chairperson ng committee na si Laguna Rep. Sol Aragones.
Libreng ibibigay ang ID sa unang pagkakataon pero magbabayad na kung magpapa-reissue sakaling mawala o masira ang ID.
Philippine Statistics Authority ang mangangalaga sa lahat ng personal data para sa ID at hindi ito maaaring ilabas nang walang kaukulang permiso.
Ilalagay sa ID ang personal na impormasyon habang nakatala sa isang smart chip sa ID ang biometric information.
Ilalagay sa database pati ang mga record ng pamilya, civil status, passport number, Tax Identification Number, SSS o GSIS number, Philheath Number, Pag Ibig Fund Number, Voters’ ID Number, at maging driver’s license.
Mapaparusahan naman ng hanggang 2 taong pagkakakulong at multang P50,000 hanggang P500,000 ang sinumang magbibigay ng maling personal information at gagamit nang hindi wasto sa ID, ayon kay Aragones.
Ipapasa na sa appropriations committee ang panukala para sa funding requirement nito bago iakyat sa plenaryo.
National ID system, lusot na sa Kamara
Reviewed by Jhon
on
08:45
Rating:
No comments: