PAALAALA: Gadgets sa windshield, paslit sa motorsiklo, bawal na

Mula Mayo 18, ipinagbabawal na ang paglalagay ng mga gadgets sa windshield ng sasakyan na maaaring makaabala sa paningin ng mga drayber habang nagmamaneho. 

Ang Anti-Distracted Driving Law ay epektibo simula Huwebes at ang mga lalabag sa batas ay maaaring pagmultahin ng hanggang P20,000 at pagpapawalang-bisa ng kanilang lisensya.




Samantala, ang Republic Act 10666 o ang Act providing for the Safety of Children Aboard Motorcycles ay isasakatuparan sa May 19.
Paglabag sa nasabing batas ay multa ng P3,000 hanggang  P10,000 pagpapawalang-bisa ng lisensya, at isang taong pagkakakulong kung ang nasabing paglabas ay magreresulta sa kamatayan o pinsala sa tao o ari-arian.
Ang multa ay babayaran sa Metrobank o Bayad Centers. Ang mga pulis o traffic enforcers ay walang karapatang tumanggap o magdemand ng pera.

PAALAALA: Gadgets sa windshield, paslit sa motorsiklo, bawal na PAALAALA: Gadgets sa windshield, paslit sa motorsiklo, bawal na Reviewed by Jhon on 07:50 Rating: 5

No comments:

Powered by Blogger.