Anak ni Digong na si Davao City Vice Mayor Paolo Duterte NEGATIBO sa drug test

MANILA, Philippines - Negatibo sa paggamit ng amphetamine, methampethamines, cocaine/metabolites, opiates, extended opiates, phencyclidine, THC metabolite, at benzodiazepines si presidential son at Davao City Vice Mayor Paolo Duterte.

Ipinost ni Paolo sa kaniyang facebook account ang 7 panel drug test ang isinagawa sa kaniya ng Omega Laboratories sa kahilingan na rin ng Hi-Precision Diagnostic Center  kung saan ay nagsumite sya ng sample ng kaniyang buhok noong Oktubre 30. Ang mga nabanggit na droga ay masusuri lamang sa sample ng buhok ng isang tao. Mas  komprehensibo din ang isang drug test kung buhok ang susuriin dahil kahit ilang buwan o taon pa ang lumipas ay makikita parin kung ang isang tao ay gumamit ng iligal na droga.
Ito ay ginawa ni Duterte bilang tugon sa hamon ni Sen. Antonio Trillanes IV  na patunayan niyang hindi siya drug user.
Maaalala ding sinabi ni Edgar Matobato, isang self-confessed assassin na umano’y miyembro ng Davao death squad na drug addict umano si Paolo na mukhang laging bangag sa droga. 


Anak ni Digong na si Davao City Vice Mayor Paolo Duterte NEGATIBO sa drug test Anak ni Digong na si Davao City Vice Mayor Paolo Duterte NEGATIBO sa drug test Reviewed by Jhon on 08:51 Rating: 5

No comments:

Powered by Blogger.