29anyos na babae patay habang Nagpaparetoke

Patay ang isang 29 anyos na businesswoman habang nagpaparetoke sa isang Clinic sa Mandaluyong City.

Sa inisyal na imbestigasyon ng pulisya, dumating umano sa The Icon Clinic si Shiryl Saturnino kasama ang kamag-anak na si Shiela Mae Anabe Deinla bandang alas singko ng hapon noong Sabado.



Matapos ma-admit, dinala na si Saurnino sa Operating Room at ang mga doktor na sina Jose Jovito Mendiola at Samuel Eric Yapjuangco ang nagsagawa ng operasyon na nagtagal hanggang 2:40 ng madaling araw ng Linggo.

Si Saturnino ay sumasailalim sa  liposuction, breast at butt surgery nang mapansin nina Dr. Mendiola at Yapjuangco na hindi na tumitibok ang puso ni Saturnino. Tinangka nilang iligtas si Shiryl sa pamamagitan ng mouth-to-mouth resuscitation pero walang nangyari. Tinawagan nila agad ang Makati Medical Center upang humingi ng tulong.

Idineklarang patay ni Dr. Kristel Marie del Rosario, na kasama sa rumespundeng medical team ambulance, si Shiryl bandang 3:21 ng madaling araw.

Samantala, kakasuhan ng mga magulang ni Shiryl na sina Noli at Shirley Saturnino ang dalawang doktor. Naniniwala ang mag-asawa na nagkaroon ng kapabayaan at  hindi nakayanan ng kanilang anak na si Shiryl ang sunud-sunod na operas­yon kaya ito nasawi.

Sa panig naman ng Eastern­ Police District (EPD), nagsasagawa pa ng masu­sing­ imbestigayon ang Mandaluyong police para matukoy ang tunay na dahilan ng pagkamatay ng biktima ayon kay director Romulo Sapitula. Hinihin­tay pa ng pulisya ang resulta ng awtopsiya na isinagawa ng Scene of the Crime Operatives (SOCO) sa katawan ng biktima.

Ayon kay Senior Superintendent Joaquin Alva, city police chief. nangako sina  Mendiola at na Yapjuangco “they would cooperate fully in our probe of the incident. They promised to forward their statements regarding the case as prepared by their respective lawyers.”
Inihayag naman ng abogado ng The Icon Clinic na si Estelita Cordero na makikipagtulungan ang klinik sa imbestigasyon.

"Responsibilidad po namin sa public ang malaman ninyo ang katotohanan at ginagawa po namin ang lahat at kasalukuyan po kaming nakikipagtulungan sa abot ng aming makakaya upang malaman kung ano ang totoong nangyari sa di inaasahang pagpanaw bi Bb. Saturnino," 

Ang biktima ay regular na pasyente ng The Icon Clinic at ito na ang ikatlong pagkakataon na nagtungo ito sa naturang klinika upang sumailalim operasyon. 

Sa kabila ng pangyayari, business as usual parin ang The Icon Clinic sa Martes ayon kay Cordero.



29anyos na babae patay habang Nagpaparetoke 29anyos na babae patay habang Nagpaparetoke Reviewed by Jhon on 08:51 Rating: 5

No comments:

Powered by Blogger.