WATCH: Babaeng napagkamalang KABIT, ginulpi ng misis at 3 anak

Huli sa CCTV ang pambubugbog ng isang misis at ng kanyang 3 anak sa isang tindera sa Maynila.
Nagbabantay lang ng kanyang mga paninda si alyas Lisa kasama ang kanyang kaibigan pasado hatinggabi noong March 21 nang 3 babae at isang lalaki na maig-iina pala.

Sinipa ng isa sa mga anak ang mga paninda at pinagsasampal si Lisa. Pinagtulungan pa ng magkakapatid na bugbugin at sabunutan ito.
Pati ang kaibigan ni Lisa ay pinagdiskitahan din ng ina.Tinangka ng ilang mga dumaan na pigilan ang pambubugbog.

Ayon sa rumespondeng mga barangay tanod, maga ang dalawang mata at halos hindi na makalakad si Lisa. Ang masaklap, napagkamalan lang pala ng misis na kabit ng kanyang mister si Lisa kaya nila ito sinugod.
Pagdating sa presinto, lumutang ang tunay na kabit. Pumayag naman makipag-areglo ang biktima sa gumulping mag-iina sa halagang P15,000.
Pinaniniwalaan namang umalis na ng Maynila ang tunay na kalaguyo.

WATCH: Babaeng napagkamalang KABIT, ginulpi ng misis at 3 anak WATCH: Babaeng napagkamalang KABIT, ginulpi ng misis at 3 anak Reviewed by Jhon on 05:53 Rating: 5

No comments:

Powered by Blogger.