1 buntis at dalagita, patay sa saksak ng suspek na lango sa droga at alak

Patay ang dalawang babaeng estudyante sa isang pribadong resort sa San Juan, Siquijor matapos silang saksakin ng lalaking gumamit umano ng iligal na droga at lango sa alak.
Patay si Nikki Piñero, isang 21-anyos na estudyante ng kursong special education sa Siliman University na tatlong buwang buntis; at ang kaibigan nitong si Lorraine Ramirez, 27 taong gulang; noong Linggo ng gabi.
Sa imbestigasyon ng pulisya, nagpapahinga ang mga biktima matapos ang sinalihang long board competition nang pagsasaksakin ng suspek na si Michael Manayon, 34-anyos na residente ng Lapu-Lapu City sa Cebu at kasali sa Visayan Longboard Trilogy na kasalukuyang isinasagawa sa Siquijor.
Sa panayam ng Bombo Radyo kay PO2 Vernel Cordova ng San juan Police station, lasing umano at high sa ipinagbabawal na droga ang suspek noong mangyari ang krimen.
Pabalik na umano ang mga biktima sa kanilang inuupahang cottage nang makasalubong nila ang suspek na my dalang kitchen knife at bigla nalang pinagsasaksak.
Dead on arrival ang dalawang biktima nang dalhin sa pagamutan. Kaagad namang nahuli ng mga pulis ang suspek.
Napag-alamang natakot umano ang suspek na baka isumbong sa pulis ng kasintahan ni Ramirez na may dala siyang marijuana. Sumugod siya sa resort upang hanapin ang kasintahan ni Ramirez, at nang hindi mahagilap ang sadya ay doon niya ibinunton umano ang galit sa mga biktima.
Pahirapan din sa mga pulis ang pagkuha ng karagdagang impormasyon sa suspek dahil hindi pa ito makausap ng maayos.
Narekober ng mga kapulisan ang isang malaking plastic bag na naglalaman ng dried marijuana leaves sa posisyon ng suspek.


1 buntis at dalagita, patay sa saksak ng suspek na lango sa droga at alak 1 buntis at dalagita, patay sa saksak ng suspek na lango sa droga at alak Reviewed by Jhon on 07:57 Rating: 5

No comments:

Powered by Blogger.