Beauty queen, binaril sa ulo ng nagkunwaring delivery boys

Patay nang barilin ang dating "Miss La Bulakenya"  ng riding- in tandem na naghatid sa kaniya ng bulaklak at tsokolate sa Plaridel, Bulacan nitong Miyerkules ng umaga. Ayon sa ulat sinabing binaril sa sintido si Mary Christine Balagtas, naging Lakambini ng Bulacan noong 2009, at naging Mutya ng Malolos at Plaridel.


Isinugod ang biktima sa  Our Lady of Mercy Hospital sa Pulilan bagamat idineklarang  dead on arrival.


Walang maisip ang mga magulang ng biktima sa motibo at kung sino ang pumaslang sa kanilang anak dahil wala raw siyang kaaway.

"Kung sino man pong walang puso na gumawa nito sa anak ko, sana maisip niya na hindi naman aso ang anak ko para patayin ng ganun-ganun lang," hinanakit ng ina.
Patuloy pa ang imbestigasyon sa krimen at may sinisilip nang motibo ang pulisya sa pamamaril at mayroon na rin silang mga suspek. 


Beauty queen, binaril sa ulo ng nagkunwaring delivery boys Beauty queen, binaril sa ulo ng nagkunwaring delivery boys Reviewed by Jhon on 09:20 Rating: 5

No comments:

Powered by Blogger.