Mga buto ng tao, natagpuan sa bakanteng lote sa Palawan

PUERTO PRINCESA CITY, Palawan – Natagpuan sa ang isang bakanteng lote sa Clark Ville, Barangay San Pedro noong Sabado ang mga parte ng chop-chop na motorsiklo at mga buto ng tao isang. May nakita rin ang mahabang buhok kaya't posible umano na sa isang babae ito.

"May nakuha po kaming identity card but hindi po namin pa matiyak kung yun na siya but hopefully na malaman din natin para makatulong din po tayo," pahayag ni Punong Barangay Francisco Gabuco.

Ayon naman sa mga tauhan ng isang inn malapit sa lugar, may narinig silang sigaw ng babae na humihingi ng tulong 
ilang linggo ang nakakalipas.

"Parang nagkasundo kami na tingnan, pumunta kami, may kasama kasi ako noon. Tapos noong papunta na kami may nasalubong kami naka-motor dalawa. Hindi namin makilala kasi walang ilaw 'yung motor tapos madilim din sa part na 'yun. Tapos yung isang angkas naka-hood - naka-jacket na may hood. Tapos hinabol namin, umabot pa nga kami doon sa labas pero hindi na namin naabutan,” sabi pahayag ni alyas Dodoy.

TMakalipas ang tatlong linggo, natagpuan umano ng isang residente ang pulang bag na may lamang pulbo, lipstick, pawnshop ID, at dalawang cellphone na walang SIM card.

"Three weeks ago, nagsusuga kasi ng baka araw-araw dito si tatay, umaga saka hapon. May nakita siyang bag na pula, dinala niya naman doon sa kubo at sinabit. Pero may nakita rin siyang plastic na itim, ayon sa kaniya, pero hindi niya na tiningnan," kuwento ni Herbe Mondragon. Sa kasamaang palad, hindi agad naireport sa kinauukulan ang natagpuang gamit.
Iimbestigahan na ngayon ng pulisya ang natagpuang kalansay at bag.
Mga buto ng tao, natagpuan sa bakanteng lote sa Palawan Mga buto ng tao, natagpuan sa bakanteng lote sa Palawan Reviewed by Jhon on 07:17 Rating: 5

No comments:

Powered by Blogger.