Pulis at lover nitong Abu Sayyaf member, huli sa checkpoint sa bohol

"Ongoing pa ang investigation, but initially, this is what we have come up with: She's a balik-Islam and she's romantically involved or romantically linked with that ASG member na driver na later on na-find out na si Renier Dongon... na miyembro ng Abu Sayyaf," ito ang pahayag ni  Philippine National Police (PNP)  Chief Director General Ronald "Bato" dela Rosa sa nahuling pulis sa check point sa bohol.


Si Superintendent Maria Christina Nobleza, deputy regional chief ng Davao Crime Laboratory, ay naaresto noong Sabado nang lagpasan nito ang checkpoint sa barangay na pinaglabanan ng Abu Sayyaf at militar.
Kasamang naaresto si Renierlo Dongon na nagmamaneho ng sasakyan. Lumalabas na kasintahan ni Nobleza si Dongon na nadiskubreng miyembro pala ng Abu Sayyaf at eksperto sa paggawa ng bomba.
"Mag-uyab sila, boyfriend-girlfriend. Hindi ko alam kung nag-live-in na sila pero they fell in love with each other... Pumipitik ang puso ng police superintendent sa Abu Sayyaf member," dagdag pa niya.
"Kakasuhan natin siya, iyung criminal na kaso niya. And administratively, siguradong tatanggalin natin siya sa serbisyo," pahayag ni dela Rosa.
Batay sa imbestigasyon ng pulisya, nakatakda umanong sagipin ng dalawa ang isang alyas 'Asin', isang 17 anyos na bandidong sinasabing may dugong bughaw sa Basilan.
Narekober sa sasakyan ng dalawa ang mga pagkain, gamot, damit, cellphone na may baterya at SIM packs, diving gear at isang baril.
Kasalukuyang nakadetine ang dalawa sa Tagbiliran, Bohol. 

Pulis at lover nitong Abu Sayyaf member, huli sa checkpoint sa bohol Pulis at lover nitong Abu Sayyaf member, huli sa checkpoint sa bohol Reviewed by Jhon on 07:15 Rating: 5

No comments:

Powered by Blogger.