Aso, iniligtas ang 2 magkapatid mula sa sunog


BENGUET– “Kung hindi dahil sa kanya, wala na siguro kami dito,” ito ang pahayg ni ani Kurt Santos matapos siyang sagipin pati narin ang kanyang kapatid na si Wilbur  ng kanilang aso na si Miztah.
Sumiklab ang sunog sa kanilang bahay sa Camp 3 Tuba, Benguet pasado alas-10 ng gabi noong Mayo 13. 
Tulog ang magkapatid nang magsimula ang sunog. Mabuti na lamang at tumahol ang aso at kinalmot ang pinto para magising ang magkapatid.
“Tinatahulan niya kami. Nung narinig ko, lumabas ako. Pagkita ko, malaki na yung sunog,” ani Wilbur.
Naiwan noon ang magkapatid sa bahay dahil nasa trabaho ang kanilang ama na minero habang nagbabakasyon naman sa Kalinga ang kanilang ina at 2 pang kapatid.
Agad nagising si Wilbur at ang kaniyang kapatid. Tinulungan naman sila ng kanilang mga kapit-bahay na apulahin ang apoy.
“Mas aalagaan naming siya ngayon dahil sa ginawa niya,” ani Lander Santos Jr, ama ng magkakapatid.

Aso, iniligtas ang 2 magkapatid mula sa sunog Aso, iniligtas ang 2 magkapatid mula sa sunog Reviewed by Jhon on 08:43 Rating: 5

No comments:

Powered by Blogger.