3 teenager, patay sa salpukan ng motorsiklo at truck

Patay ang 3 teenager na sakay ng motorsiklo matapos sumalpok at makaladkad ng kasalubong na trak sa bayan ng Kananga, Leyte, Sabado ng hapon. 

Ayon sa mga imbestigador, sumalpok ang mga biktima sa kasalubong na 10-wheeler truck sa national highway sa Barangay Libongao matapos mag-overtake n sa sinusundang sasakyan.

Dead on the spot ang mga biktima na pumailalim sa truck dahilan ng agarang pagkamatay.
Nakilala ang mga biktima na sina James Kenneth Costillos, 18; Erwin Albos, 19 at Felipe Tapar, 19. Wala ding suot na helmet ang 3 binatilyo.

Agad namang sumuko sa pulisya ang truck driver na si Bejie Jabilles na tumanging magbigay ng panayam sa media. Nahaharap siya ngayon sa kasong reckless imprudence resulting to multiple homicide. 
3 teenager, patay sa salpukan ng motorsiklo at truck 3 teenager, patay sa salpukan ng motorsiklo at truck Reviewed by Jhon on 01:37 Rating: 5

No comments:

Powered by Blogger.