Pinay Nurse patay sa Ohio matapos pagbabarilin ng dating lover, 2 iba pa patay rin

Patay ang isang pinay na nurse sa naganap na shooting incident noong nakaraang linggo sa Ohio, USA.

Kinilala ang pinay na si  Marlina Medrano, 46 taong gulang, na namatay sa barilan sa Pine Kirk Care Center sa Kirkesville, 25 miles east ng Columbus.

Patay din ang isang nursing aid na kinilalang si Cindy Krantz, 48 taong gulang at si Kirkersville Police Chief Eric Disario na nabaril din ng suspek.

Ayon sa pulisya, ang suspek na si Thomas Hartless, 43 taong gulang, ay dati umanong may romantikong relasyon kay Medrano. Makailang ulit nagfile ng civil protection orders si Medrano laban kay Hartless. Nakulong din si Hartless matapos saktan, sipain, sakalin at tangkang sagasaan si Medrano. 

Anim na linggo matapos makulong, nagtungo si Hartless sa Pine Kirk Care Center at dun na nga isinagawa ang pamamaril. Matapos nito, kinitil din ni Hartless ang sariling buhay.


Pinay Nurse patay sa Ohio matapos pagbabarilin ng dating lover, 2 iba pa patay rin Pinay Nurse patay sa Ohio matapos pagbabarilin ng dating lover, 2 iba pa patay rin Reviewed by Jhon on 08:38 Rating: 5

No comments:

Powered by Blogger.