Lalaki nanghipo ng babae, sinugod pa bahay ng biktima dala ang itak

MANILA - Arestado ang isang lalaki matapos umanong manghipo ng isang 22-anyos na  babae. Sinugod din umano ng suspek ang bahay ng biktima nang may dalang itak. Nang nagsidatingan ang mga pulis upang hulihin ang suspek, nagwala umano ang lalaki.
Ayon sa biktimang si "Kaye", naghihintay siya ng inorder na pagkain sa isang ihawan sa BF Homes nang hipuan umano siya ni Jerome Pagaran, na noo'y nakikipag-inuman sa lugar.
"Tumayo siya, hinipuan ako sa tagiliran," pahayag ni Kaye.
Isinumbong ni Kaye ang insidente sa live-in partner niyang si Harlie Gallego kaya  kinumpronta niyo ang suspek. Sa gitna ng kanilang pagtatalo, umuwi si Pagaran sa kanyang bahay at kumuha ng itak.
Sumugod ang suspek sa bahay nina Kaye at Gallego at pinagbantaan ang mga ito. Agad naman tumawag ng mga opisyal ng barangay ang magkasintahan.
Nang dumating ang mga awtoridad, sinubukan pa ni Pagaran na tumakbo pero nakorner din siya ng mga tanod.
"'Di ko alam na may itak, siniko ko, nagwawala. Tumalsik nga kami nung hinawakan namin, lasing kasi," pahayag ng barangay tanod na si Dave Martinez.
Kumalma rin kalaunan si Pagaran at itinangging hinipuan niya si Kaye.
"Maiksi suot, e lalaki ka, mapapatingin ka. Nahuli ako na tumitingin, sinabihan ng bastos. Ang layo-layo ko, hihipuan ko? Ano ako, lastikman?" pahayag ng suspek.

33-anyos na lalaki, arestado sa Parañaque matapos ireklamong nanghipo ng babae, pinuntahan ang bahay nito nang may itak pic.twitter.com/AB4xCLpr9u
Tanggi ni Jerome Paragan, tiningnan lang niya ang babae na nakasabay sa ihawan. Maiksi raw kasi ang suot nito. pic.twitter.com/lHqLibXKDe
View image on Twitter
Desidido naman si Kaye na ituloy ang kasong acts of lasciviousness, trespassing at frustrated homicide laban kay Pagaran.


Lalaki nanghipo ng babae, sinugod pa bahay ng biktima dala ang itak Lalaki nanghipo ng babae, sinugod pa bahay ng biktima dala ang itak Reviewed by Jhon on 08:27 Rating: 5

No comments:

Powered by Blogger.