Dating JANITOR, abogado na ngayon

Labis labis ang kasiyahan ng  isang lalaking apat na taong nagsilbi bilang janitor sa tanggapan ng Commission on Elections.

Si Ramil Comendador, tubong Catanduanes, ay nagtungo ng Maynila upang makipagsapalaran. Ipinagsabay niya ang pag-aaral at pagtatrabaho bilang janitor. Kumuha siya ng abogasya sa Universidad de Manila.


Ayon kay Comendador, sa pagiging janitor niya sa COMELEC naisipan na kailangan matapos na ang cycle ng kahirapan.

"Baon-baon mo yung pangarap mo na makaalis na sa kahirapan. Baon-baon mo yun, siyempre. Malaking bahagi nun talaga yung tiwala mo sa Panginoon, at maitatawid mo yung mga pangarap mo," pahayag niya..
May dalawang anak si Comendador, isang 4 na taon at isang 8 taon gulang.
"Yung kamay ko nun, nagshe-shake talaga, as in hindi makapag-sulat. Ang ginawa ko po, after kong magdasal, kinuha ko ng kaliwang kamay ko ang kanang kamay ko at pinilit kong idiniin sa papel. Sabi ko, 'Panginoon, pahintulutan mong makapag-sulat ako kasi gustong gusto ko itong maitawid'," aniya.




Dating JANITOR, abogado na ngayon Dating JANITOR, abogado na ngayon Reviewed by Jhon on 07:56 Rating: 5

No comments:

Powered by Blogger.