20-anyos na dalaga, pinugutan umano ng nobyo sa sementeryo

ALICIA, Isabela - Natagpuang patay at pugot ang ulo ng isang 20-anyos na dalaga sa loob ng isang sementeryo sa Barangay Linglingay, bayan ng Alicia, Isabela kamakalawa. 


Ayon sa mga imbestigasyon ng pulisya, nakita umano ang magkasintahang sina Mary Ann Colobong at Erick Sampaga na pumasok sa sementeryo. Ayon sa ilang nakasaksi, nagtatalo umano ang dalawa at may hawak na mahabang itak ang suspek na si Sampaga habang papasok ng libingan.

Ayon kay P/Chief Insp. Darwin Urani, hepe ng Alicia Police Station, dakong alas-4 ng hapon nang matagpua ng ilang residente ang walang ulong katawan ng biktimasa ibabaw ng isang puntod. Natagpuan ang kanyang ulo sa loob ng isang museleyo.
Kaagad na isinailalim ng pulisya sa manhunt si Sampaga na mapanganib at armado. Pinaghihinalaan ding may problema ito sa pag-iisip.



20-anyos na dalaga, pinugutan umano ng nobyo sa sementeryo 20-anyos na dalaga, pinugutan umano ng nobyo sa sementeryo Reviewed by Jhon on 06:26 Rating: 5

No comments:

Powered by Blogger.