Police Convoy na may lamang Maute members, inambush! 4 patay

MANILA, Philippines - 4 na miyembro ng Maute terror group ang napatay at isang pulis ang sugatan nang tambangan ang sinasakyan nilang pat­rol car sa  boundary ng mga bayan ng Pantar at Balo-in sa Lanao del Sur, dakong alas-6 ng gabi. Dadalhin sana ang mga naarestong miyembro ng sa Cagayan de Oro City upang i-inquest. .

Ayon sa inisyal na ulat ni Joint Task Group Senior Supt. Rolly Anduya, ang mga nasawi ay mga importanteng miyembro ng Maute group na kinila­lang sina Julkipli Maute alias Jar Maute, aka Abu Basher; Aka Hadji Sulayman; Alan Sulayman at Ala Saba. Ang apat ay naaresto kasama ng ina ng Maute Brothers na si Ominta Romato "Farhana" Maute.
Ang sugatang pulis ay nakilalang si P/Chief Insp. William Santos.
Nagawa pang maisugod sa hospital ang apat pero di na ito umabot pa ng buhay.
Ang convoy ay kinabibila­ngan ng limang mobile police units ng Regional Public Safety Battallion ng Autonomous Region in Muslim Mindanao at ng Regional PNP-Criminal Investigation and Detection Group (CIDG).

Police Convoy na may lamang Maute members, inambush! 4 patay Police Convoy na may lamang Maute members, inambush! 4 patay Reviewed by Jhon on 09:55 Rating: 5

No comments:

Powered by Blogger.