LACSON: US binubully na ang Pinas

Pambubully umano at hindi scare tactic ng US sa Pilipinas ang planong pagpapatigil ng pagbenta nila ng mga baril sa ating bansa.

Nauna nang naglabas ng pahayag si Duterte noong nakaraan sa media. 
“Yan lang pantakot nya sa akin. Hindi sya magpapabili ng armas? E karaming de bomba dito (It’s a scare tactic. The US won’t sell firearms to us? There are many airguns here),”

Subalit iba ang sa tingin ng ating Senate committee on public order and dangerous drugs chairman.


“No, it was not a scare tactic but a bully attitude towards a longtime ally which is not fair to say the least, being an equally sovereign state,” ito ang pahayag ni Senator Panfilo “Ping” Lacson sa planong pagpapatigil ng US ng pagbenta ng mga baril sa Pilipinas.

“Prudence dictates that the state department should first show a conclusive investigation that says what Sen. Cardin has alleged before issuing a statement banning the sale of assault rifles to our uniformed services,” dagdag pa niya.
Si  Sen. Ben Cardin ang democrat na unang naiulat na nagsuggest na huwag payagang makabili ng armas ang Pilipinas dahil sa paglabag umano ng bansa sa Karapatang pantao dahil umano sa laban ni Pangulong Duterte sa illegal na droga.

Iginiit din ni Lacson na marami pang ibang producer ng armas gaya ng Israel, Belgum, Russia at China.

Sang ayon din si Senator JV Ejercito sa pahayag ni Lacson.

“Taiwan for example has stopped buying their police firearms from the US and is now procuring their standard 9mm pistols from Germany which they say are better and more suitable to their law enforcement needs. There are other sources like Israel, Belgium, even Russia and China,”


"Concerned sila sa so-called EJK but they don't mind the hundreds of thousands of killings in Mexico," ito naman ang pahayag ni Senate Majority Leader Vicente Sotto III ukol sa issue.

"Israel, Austria and Russia also produce the same or better assault rifles and ammo. With enough funding, the Philippines can also be good producers," dagdag pa niya. 
Inamin naman ni PNPN Chief Ronald dela Rosa na makakaapekto ito sa laban ng pulisya kontra droga. Ayon pa sa kanya, wala pa umano siyang natatanggap na official notice mula sa suplayer sa US.
LACSON: US binubully na ang Pinas LACSON: US binubully na ang Pinas Reviewed by Jhon on 09:05 Rating: 5

No comments:

Powered by Blogger.