PING LACSON: Hindi kawalan ang pag-atras US sa pagbebenta ng armas sa Pinas
Ayon kay Sen. Panfilo "Ping" Lacson, hindi umano dapat ikabahala ang pagpapatigil ng Estados Unidos sa pagbebenta ng armas sa Pilipinas.
Idinagdag pa ni Lacson na maraming ibang bansa na pwedeng mapagkuhaan ang Pilipinas bukos sa America.
"Since it's a planned sale of assault rifles by the US to the Philippines, we do not stand to lose anything except one less gun store to choose from,” .

“There are tens of other countries that manufacture better and probably cheaper assault rifles than the U.S.,” pahayag ni Lacson.
Ipinatigil ng Estados Unidos ang kanilang “arms deal” sa Pilipinas dahil umano sa paglabag sa mga karapatang pantao sa isinasagawang drug war ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Hinarang ng top democrat ng US Senate Foreign Relations Committee na si Senator Ben Cardin ang nasabing arms deal sa Pilipinas kung saan ay nakatakda sanang bumili ang Pilipinas ng 26,000 rifles.
Ipinunto ni Cardin ang mahigit na 3,000 drug personality na namatay nang simulan ang gyera laban sa droga na syang ikinababahala rin ng United Nations at European Union. Naging komplikado din umano ang naging alyansa ng Pilipinas at US dahil sa paulit ulit na pagmumura ni Duterte kay Obama.
Nauna nang nasabi ng Pangulong Rodrigo Duterte na posibleng kukuha ng armas ang bansa mula sa China at Russia.
"We can buy the arms where they are cheap and where there are no strings attached and it is transparent," ani Duterte.
PING LACSON: Hindi kawalan ang pag-atras US sa pagbebenta ng armas sa Pinas
Reviewed by Jhon
on
10:33
Rating:
No comments: