OFW's 2 year old son, beaten dead by guardians
MANILA - Nakauwi na sa kanyang tahanan sa Davao City ang ina nang batang sinasabing namatay umano sa kamay ng mga nag-aaruga dito.
Ang ina nang bata na si Erlinda Cagalitan ay nagtatrabaho bilang cashier sa Bahrain.
Ayon sa inisyal na imbestigasyon ng pulisya, ang bata ay pinalo umano hanggang mamatay ng nag-aaruga sa kanya na sina Sarah Jane Alcain at asawang si Ronilo, na nagalit umano matapos umihi ang bata sa pantalon nito.
Tumangging magpainterview si Cagalitan, at humiling na hayaan siyang makapagdalamhati ng pribado habang humihingi naman ng hustisya ang mga kamag-anak ng nasawi.
Kasalukuyan nang nakakulong sina Alcain at Ronilo.
Nagbigay naman ng pahayag si Pangulong Rodrigo Duterte noong Huwebes ukol sa pangyayari.
"Marami iyan, 'yung mga anak nila iniiwan lang sa mga kapatid, pinsan and they work their ass to death. Pagdating dito, napurnada ang pagod nila either because their children are not par with their expectations na makatapos, malulong sa droga. These are the things we have to balance,"
Anya, pagbalik nya mula sa APEC Summit sa Lima, Peru ay agad nyang tatalakayin ang pangyayari kasama ang Department of Social Welfare and Development.
OFW's 2 year old son, beaten dead by guardians
Reviewed by Jhon
on
08:32
Rating:
No comments: