Duterte: Love talaga, love at first sight
MANILA – Inamin ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kanyang speech sa Malacañang noong lunes na si Ilocos Norte Governor Imee Marcos at isa pang taga Mindanao ang tanging sumoporta sa kanya noong kampanya sa pagkapangulo.
“Itong si Imee dahil magkaibigan kami, she chose to support me,” pahayag ng Pangulo.
“Iyung isa nasa Mindanao, because of love. Love talaga yun. I tell you baka sabihin niya ano, it reaches her ears, love talaga, love at first sight. Pero gaga yun, nanununtok yun. Tinamaan ako sa tiyan dito sa, natumba ako.” dagdag pa niya.
Nauna nang binanggit ng Pangulo ang nasabing Gobernador noong meeting niya sa Filipino community sa Malaysia noong November 9.
“Sa Mindanao, well, of course, landslide ako pero wala akong, ang governor kaisa-isa lang at dahil siya ay naging kasintahan ko,” he said.
“Matanda na siya ngayon but she was, she became mayor when she was only 27. Ako naman noon 42 lang ako. Batang-bata pa kami. Kagabi, nandoon siya sa Malacanang. Hinila ko sa isang kanto, sabi ko sa bodyguards, ‘oist, umalis kayo diyan, halikan ko lang itong..’ pero hanggang diyan na lang kasi may asawa eh baka mapatay tayo. Nagyon meron na, noon wala.”
Noong May 2016, pabirong sinabi ni Mayor Rodrigo Duterte na tatakbo lamang siya sa pagkapresidente kung ang magiging first lady niya ay si Agusan del Norte Gov. Angelica Amante-Matba as his First Lady.
Duterte: Love talaga, love at first sight
Reviewed by Jhon
on
09:03
Rating:
No comments: