Statement of Sen. Kiko Pangilinan on VP Leni Robredo’s resignation from the Cabinet
We are saddened by this latest development. We believe the Vice President should have been treated with greater respect.
Nakakalungkot ang mga pangyayari. Hindi sana nauwi sa ganitong hidwaan kung binigyan ng kaukulang respeto at sapat na pagkilala ng Administrasyon ang Pangalawang Pangulo.
Sinusuportahan natin ang kanyang pasya matapos sabihan na huwag nang dumalo sa Cabinet meetings.
Katulad niya, tayo ay hindi pabor sa paglagak ng mga labi ng isang diktador sa Libingan ng mga Bayani, sa pagbalik ng death penalty, sa pagkulong sa mga batang nagkakasala kasama ang mga matatanda, at sa pambabastos sa kababaihan.
Dagdag pa rito, ang pagkaltas ng P19 billion sa budget ng housing ay direktang makakaapekto sa programa ng pabahay lalo na para sa kapos-palad nating mga kababayan. Ngayon, mas kailangan natin ang suporta ng mga nagmamahal sa ating demokrasya.
Umaandar ang mga pwersang gustong ibalik ang mga Marcos sa kapangyarihan. Hindi natin ito papayagan.
Defend Leni. Defend democracy
Source: PTV
Statement of Sen. Kiko Pangilinan on VP Leni Robredo’s resignation from the Cabinet
Reviewed by Jhon
on
07:31
Rating:
No comments: