'Duterte's Kitchen' Libreng Pagkain Para sa Mga Batang nasa Lansangan
Ang nasabing kainan ay matatagpuan sa may EDSA malapit sa Metro Rail Transit terminal sa Cubao – sa pagitan ng Farmers Plaza at Social Security System building.
Ang Duterte's Kitchen ay nagbukas noong October 10, 2016. Sa isang interview ng ABS-CBN kay Dexter Araquel, project head, inspirasyon ng nasabing kainan ang proyekto ni Duterte sa Davao noong Mayor pa siya.
"Nagsimula ito sa project ni Mayor Digong noong nasa Davao pa siya,"
"Meron daw para bang karinderya o lugawan sa likod ng city hall, doon para 'yung mga nagugutom, pupunta lang doon. Eventually, in-adopt ito ng PDP-Laban." pahayag ni Araquel.
“Before, we only provide food for the street children, but now even hungry adults are also being attended to,” Pahayag ni Glen Badon, national executive director ng PDP-Laban.
Ayon sa kanya, lugaw at champorado ang kanilang pinapakain sa almusal, ulam gaya ng isda, adobong manok at baboy na may kasamang gulay at kanin tuwing tanghali at hapunan.
Ang mga trabahador ay “volunteers who believe on the advocacy of extending help to the underprivileged people and bring hope and inspiration to them,” pahayag ni Badon.
“The food being served also depends on the donors. If we receive donated vegetables, chicken or pork meat, then we serve these to the street children and even to the elders,” dagdag pa niya.
Ayon kay Araquel, sa mga unang linggo ng Duterte's Kitchen, tanging lugaw o champorado lang umano ang nasa kanilang menu. Subalit makalipas ang halos dalawang buwan, dumagsa ang donasyon kaya nagawa nilang makapagluto ng full meals para sa mga bata.
Ang Duterte’s Kitchen ay nagagamit din bilang family center para sa mga street children, kung saan ay tinuturuan silang magbasa at magsulat ng mga volunteers.
“Duterte’s Kitchen provides street children the means to uplift their lives. We have programs that will equip them with knowledge like teaching them to read. We are family to them,” dagdag pa ni Badon.
Si Vivian Pulga, o mas kilala sa tawag na "Nanay Vivian" ay isang volunteer ng kaninan. Ayon sa kanya maligaya syang nakikitang masaya ang mga bata at napipigilan ang mga bata sa paggamit ng solvent.
"Karamihan kasi ng mga bata, nagso-solvent lang naman kasi walang makain. Pero dahil may nakakain na sila, hindi na sila nagso-solvent," pahayag niya.
Ayon kay Badon. magtatayo pa umano sila ng maraming Duterte's Kitchen sa ibang panig ng bansa.
“We will bring Duterte’s Kitchen nationwide to feed and teach children roaming the streets aimed at uplifting their situation,” dagdag pa ni Badon.

Reviewed by Jhon
on
04:21
Rating:
No comments: