Trump inimbitahan si Duterte sa White House
Kinumpirma ni Special Assistant to the President Christopher 'Bong' Go na naging makabuluhan at 'click' agad umano ang pag-uusap nila Pangulong Rodrigo Duterte at US President-elect Donald Trump kagabi. Si Pangulong Duterte ang tumawag kay Trump bandang 10:30 kagabi sa pamamagitan ng kanyang cellphone.
Inimbitahan umano ni Pres. Trump si Pangulong Duterte na bumisita sa White House sa susunod na taon habang inimbitahan ng pangulo si Trump na dumalo sa 2017 ASEAN Summit kung saan mangangasiwa ang Pilipinas.
Inabot umano ng pitong minuto at 20 segundo ang phone conversation nina Trump at Duterte.
"I could sense a good rapport, an animated President-elect Trump. And he was wishing me success in my campaign against the drug problem. He understood the way we are handling it and I said that there’s nothing wrong in protecting a country. It was a bit very encouraging in the sense that I supposed that what he really wanted to say was that we would be the last to interfere in the affairs of your own country," ani Pangulong Duterte.
Sa isang speech ni Duterte noon sa Malaysia, inamin ng pangulo na marami silang pagkakapareho ni Trump.
“Ayaw kong makipag-away kasi nandyan na si Trump. I would like to congratulate President Trump. Mabuhay ka!”
“Pareho tayo nagmumura. Konting rason lang, mura kaagad. Medyo pare-pareho kami."
Trump inimbitahan si Duterte sa White House
Reviewed by Jhon
on
11:13
Rating:
No comments: