Opensiba kontra MAUTE GROUP pinaigting, mga residente sa Butig, Lanao Del Sur, lumikas

Patuloy parin ang pagtugis ng Armed Forces of the Philippines (AFP) sa Maute terror group sa Butig, Lanao del Sur.

Ayon sa report sinakop ng Maute group ang lumang municipal hall, national high school at mosque ng nasabing barangay. Tinanggal din nila ang watawat ng Pilipinas sa munisipyo at pinalitan ng watawat ng  Islamic State (ISIS). Nagsabit din sila ng mga watawat ng ISIS sa ibang bahay.






Napag-alaman na mula sa Basilan at Maguindanao ang mga nasabing rebelde.

Batay pa sa report ang mga lider umano ng Maute na sina Omar at Abdullah Maute ay nangako na ng alyansa sa ISIS at ginagamit na ang pangalan at simbulo ng nasabing terorrist group.

Nagpakawala ng 150-pound bombs sa lugar  ang SF-260 trainer aircrafts ng AFP habang patuloy din ang artillery fires sa ground. Nagpadala na ng reinfrcement ang AFP sa Butig. 

Sinarado na ngayon sa publiko ang lahat ng mga daan sa Butig. Nagsilikas narin ang mga residente mula sa ibat ibang munisipalidad.

Namahagi na ng relief goods si  Lanao del Sur Vice. Gov. Mamintal Adiong na kaninang umaga sa mga evacuees.
May mga mamamayan pa umanong naiwan sa lugar, na pawang mga kamag-anak ng ilan sa mga miyembro ng terorista. 

Sa kabilang banda, dalawang sundalo ang sugatan sa nangyaring engkwentro ayon kay B/Gen. Restituto Padilla, spokesman ng AFP.


Opensiba kontra MAUTE GROUP pinaigting, mga residente sa Butig, Lanao Del Sur, lumikas Opensiba kontra MAUTE GROUP pinaigting, mga residente sa Butig, Lanao Del Sur, lumikas Reviewed by Jhon on 10:31 Rating: 5

No comments:

Powered by Blogger.