Inang nang-iwan ng kanyang baby sa Airport, nais makuha muli ang bata

MANILA - Matapos abandonahin ang kanyang anak sa 5 araw na ang nakararaan sa Ninoy Aquino International Airport Terminal 1, nais na ulit ng ina nitong si Vilma Pacibas Lastima na makuha ang anak.


Myrna Buenaobra and the abandoned baby boy
Sa isang phone interview ng ABS-CBN sa ina ng sanggol, ipinaabot ni Lastima na plano niyang bumalik ng Manila matapos malamang nasa kamay na ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang kanyang anak.
Itinanggi ni Lastima na inabandona niya ang kanyang anak, sa halip ay iniwan lang umano niya ito kay Myrna Buenaobra na nakilala nya sa airport noong November 25 dahil may bagay siyang kailangang gawin.



"May pinuntahan lang po ako. Pag balik ko sa airport hindi ko na po makita si (Mercy Bonaobra) yung babae na pinagiwanan ko ng aking anak at passport,” ani Lastima.
Ayon naman kay Bonaobra inireport niya ang pangyayari matapos di bumalik ang ina pagkaraan ng mahigit na 4 na oras.
"Natatakot po ako baka kung ano ang mangyari sa bata kaya po ako nag-report sa airport police dahil hindi na po binalikan ng nanay yung anak niya," pahayag niya.
Ayon naman kay Lastima, hinanap niya si Bonaobra at ang bata sa loob ng airport.
"Bumalik po ako sa airport at hinanap yung anak ko pero hindi ko na po nakita at hindi na rin po sinasagot ni Bonaobra ang kanyang telepono," 
Matapos nito, nagdesisyon syang umuwi ng Davao at di rin nagreport sa pulisya.
Ayon naman sa sister-in-law niyang si Joy Detros, wala umano silang alam sa pangyayari.
"Hindi po namin alam na uuwi na siya ng Pilipinas at may dalang bata, dahil meron pa siyang anak dito sa Pilipinas pero hiwalay sa asawa," ani Detros.
"Hindi po siya nag-kwento sa amin at after two days mahinahon po namin siya kinausap pero itinatanggi po niya na anak niya ang bata, halata po namin na may inililihim na problema si Vilma," 
Source: ABS-CBN
Inang nang-iwan ng kanyang baby sa Airport, nais makuha muli ang bata Inang nang-iwan ng kanyang baby sa Airport, nais makuha muli ang bata Reviewed by Jhon on 08:57 Rating: 5

No comments:

Powered by Blogger.