Security ni Duterte inambush, Pangulo tuloy parin ang pagpunta sa Lanao sa kabila ng ambush

"Iyong advance party ko na belonging to the Presidential Security Group na-ambush pa kanina. Tinamaan ng IED. But I’m going there. I’m going there because --- I am just simply going there. The advice was to postpone, I said ‘no, I will go there’ and if possible, take the same route. Maybe we can have a little gunfight here, gunfight there. Exercise. Baka. Kung hindi ako lulusot eh nandiyan naman, that’s why we have a Vice President Leni Robredo. Then you can have a gentle President also in exchange for a discourteous --- a discourteous mouth.," ito ang pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte matapos ang pananambang sa convoy ng kanyang security advance party.






Tinambangan at pinasabugan ng improvised explosive device (IED) ng pinaniniwalaang Maute local terror group ang convoy sa Barangay Matampay, Marawi City nitong Martes ng umaga.

Pinatutukan ngayon ng PNP Region-10 ang pagbigay seguridad sa lahat ng vital installations sa nasasakupan ng Hilagang Mindanao.

Kinilala ang mga sugatan na sina Capt. Zamora; S/Sgt Damaso; Cpl Inova; Cpl De Leon; Sgt Garcia; Pfc Gonzalez at Pfc Panisa.

Dalawang sundalo din ang sugatan mula sa 65th IB, Philippine Army na sina Cpl Galintia at Cpl Corpuz.

Security ni Duterte inambush, Pangulo tuloy parin ang pagpunta sa Lanao sa kabila ng ambush Security ni Duterte inambush, Pangulo tuloy parin ang pagpunta sa Lanao sa kabila ng ambush Reviewed by Jhon on 09:11 Rating: 5

No comments:

Powered by Blogger.