BREAKING NEWS: Hinihinalang bomba, natagpuan sa Roxas Boulevard
MANILA, Philippines -- Sinara ng mga pulis ang isang section sa Roxas boulevard, mula Kalaw Avenue hanggang US Embassy matapos madiskubre ang isang hinihinalang bomba sa loob ng isang basurahan malapit sa US Embassy.
ADVISORY: Temporary closed to traffic at Roxas Kalaw to US Embassy SB due to suspected bomb as of 7:36 AM. PNP and MMDA assisted. #mmda— Official MMDA (@MMDA) November 27, 2016
Si Ely Garcia, isang streest sweeper ng Department of Public Works and Highway ang nakadiskure sa hinihinalang bomba.
"Lumang cellphone na may wire sa likod, naka-connect sa isang parang soccer ball na itim. May black wire at red," pahayag ni Garcia sa interview sa dzBB.
Ayon naman sa isang hiwalay na interview kay MPD chief Senior Superintendent Joel Coronel sa dzMM ang nasabing "suspicious package" ay naglalaman umano ng cellphone at electronic gadgets.
Nagpakalat narin ang kapulisan ng K9 units at explosive ordnance disposal experts upang masigurong walang anumang bomba o kahinahinalang bagay sa lugar.
Muling binuksan ang sinarang section ng Roxas Boulevard bago mag alas-9 ng umaga.
"Upon inspection, it appears there's only some cellphone or some gadgets inside [the trash can]... As of now, it's safe, wala nang danger," ... "There is no danger. There is no cause for alarm," Ani Coronel.
WATCH: Statement of MPD Chief Joel Coronel on the suspected bomb found on Roxas Boulevard pic.twitter.com/Vv0Fq7TwnR | via @Dennis_Datu— ABS-CBN News (@ABSCBNNews) November 28, 2016
BREAKING NEWS: Hinihinalang bomba, natagpuan sa Roxas Boulevard
Reviewed by Jhon
on
11:36
Rating:
No comments: