5000 government officials, nasa bagong NARCO List ni Digong
Ayon kay Presidential Chief Legal Councel Salvador Panelo hindi umano bababa sa 5,000 government officials ang sangkot sa panibagong "narco-list" ng Pangulong Rodrigo Duterte at maaaring umabot pa hanggang 10 libo.
“There are about 10,000 people, government officials involved. That means that the magnitude and depth of the drug menace is so much, so huge, that public safety is now in danger.” ani Panelo.
"And I will give each of them a copy, and then the Senate President and the Speaker of the House, then let us formulate how to prevent disaster for the next generation," pahayag ni Pangulong Duterte sa San Beda College Law alumni homecoming noong nakaraang Sabado.
Muli namang nagbabala ang Pangulo laban sa mga sangkot sa droga.
“In the coming days, I will make it a must, a mandate na lahat kayo na natamaan ng droga ‘wag kayong lumabas ng bahay. Wala man akong presuhan, pumasok kayo sa bahay ninyo, mag-lock kayo. Pagka lumabas kayo, p---inanyo papatayin ko kayo, ‘pag nakita ko kayong lumabas,”
“Where do they get P200 to sustain their [addiction]? They rob, they kill, hold-up dito sa Manila. Medyo ngayon wala na, but that’s only... for the moment lang ‘yan, takot kasi eh. Wala na ang mga istambay... How de we make it permanent?”
“Can we legislate [in] Congress, can we legislate fear, respect of the law? Wala. Hindi mo puwedeng tapik-tapikin ‘Kawawa naman ang Pilipino, huminto ka na,”
“Let us formulate [a plan] how to prevent a disaster for the next generation,” sabi ng Pangulo na iginiit na higit pa sa terorismo, ang drugs ang pinaka seryosong problema sa bansa.
“Droga ang pinaka because it would leave us in its wake so many insane persons.”
“So noong nanalo ako, I named already known personalities. But to my horror, after the so many names that I mentioned, the final report of the PDEA (Philippine Drug Enforcement Agency), from all sources collated, from the national intelligence community, NBI, lahat. Binigyan ako ng kopya ganun kakapal, sabi ko medyo problema ito... Tinawagan ko ang Cabinet sabi ko hindi ko ito kaya,”
“And even if assuming na sinasabi nila na pinapatay ko, sinasabi ko sa kanila I will run out of time and bullets because of this report,” wika pa ng Pangulo.
5000 government officials, nasa bagong NARCO List ni Digong
Reviewed by Jhon
on
09:48
Rating:
No comments: