Sanggol iniwan sa NAIA, ina pinaghahanap ng OWWA
DAVAO CITY – Pinaghahanap na ngayon ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA)-Davao Region ang ina ng tatlong buwan na sanggol na lalaki na kanyang iniwan sa Terminal 1 ng Ninoy Aquino International Airport (Naia).
Ang nasabing sanggol ay kanyang iniwan kasama ang feeding bottle, diapers pati na ang kanyang passport kay Myrna Buenaobra na nakilala nya sa airport matapos dumating mula Amman, Jordan.
Ayon kay OWWA-Davao Regional Director Eduardo E. Bellido, nakatanggap sila ng impormasyon na isang Vilma Lastima ang pangalan nang nag-iwan sa sanggol. Naninirahan umano siya sa Maco, Compostela Valley, ngunit sa kasalukuyan hindi pa ito makumpirma ng ahensiya.
Nasa kustodiya ng Department of Social Welfare and Development ang sanggol sa kasalukuyan.
Nakipag-ugnayan na ang OWWA sa kanilang opisina sa Jordan ngunit wala umanong Vilma Lastima na naka-rehistro doon.
Sanggol iniwan sa NAIA, ina pinaghahanap ng OWWA
Reviewed by Jhon
on
09:03
Rating:
No comments: