TERROR ALERT LEVEL 3 itinaas sa Davao, Cotabato at Zamboanga

Nilinaw ni National Security Adviser Hermogenes Esperon Jr. na ang Davao, Cotabato at Zamboanga lamang ang nasa terror alert level 3 at hindi ang buong bansa.

"Terror Alert on provinces of Davao, Cotabato and Zamboanga. Metro Manila vinavalidate pa, recommended pa lang Metro Manila. Nationwide full alert PNP for Christmas season, possible demonstrations. Terror alert of PNP more on the protection of people," ani Esperon.



Kahapon lamang ay inihayag ni Philippine National Police Director General Ronald “Bato” Dela Rosa na isinailalim ang bansa sa Terror Alert Level 3 kasunod ng pagkakadakip sa mga awtoridad na nag -iwan ng improvised explosive device malapit sa embahada ng Amerika sa Maynila.

“They should expect strong checkpoints, Oplan Sita anytime, some raids on suspected terrorist personalities and lairs na puwede nilang pagtaguan,”

“’Huwag kayo ma-alarm, alerto lang tayo. I’m advising the public to be vigilant, alert, and be cautious but don’t panic. Relax, enjoy Christmas,” pahayag ni dela Rosa.

Kinilala ang mga suspek na sina Rayson “Rasid” Kilala at Jiaher Guinar na mga miyembro ng jihadist group na Ansar Al-Khalifa na konektado sa Maute group.

Ayon kay dela Rosa, galing pa ng Mindanao ang nasabing bomba.

“Ang una nilang target Luneta, pumalpak lang doon. Hindi sumabog kaya nilipat nila sa Roxas Boulevard, malapit sa embassy,” 

"Ang motive nila para lumuwag ‘yung operations doon sa Maute Group and gusto nilang ma-recognize ng ISIS [Islamic State of Iraq and Syria] kung nakapagpasabog sila ng bomba at nagkaroon ng malaking pinsala, malaking casualties,"

Humingi din ng paumanhin si dela Rosa sa nangyari.

“Aaminin ko talagang nakalusot, that’s our fault. Sorry, nalusutan tayo,” sabi ni Dela Rosa.

“Honestly, hindi ko masasabi na hindi na mauulit but rest assured our PNP and our Armed Forces of the Philippines are trying their very best to secure the country.”


TERROR ALERT LEVEL 3 itinaas sa Davao, Cotabato at Zamboanga TERROR ALERT LEVEL 3 itinaas sa Davao, Cotabato at Zamboanga Reviewed by Jhon on 08:01 Rating: 5

No comments:

Powered by Blogger.