71 patay sa pagbagsak ng eroplano, Brazilian football team sakay rin
71 ang patay ayon sa otoridad sa pagbagsak ng chartered flight na lulan ang Brazilian football team na Chapecoense sa kabundukan sa bayan ng La Union malapit sa Medellin, Columbia.
Bukod pa sa mga players, lulan din ng nasabing eroplano ang coaches, mga bisita at halos 20 journalists na magcocover sana ng magiging laban ng nasabing soccer team.
Lima lamag ang nakaligtas sa nasabing trahedya. Kabilang sa nakaligtas ang defender football team na si Alan Ruschel at ang goalkeepers na sina Danilo Padilha at Jakson Follmann, isang flight attendant at isang miyembro umano ng delegation na si Rafael Valmorbida ng Radio Oeste Capital. Sa kasamaang palad, namatay umano si Danilo kinalaunan.
Ayon sa Colombian air traffic control, nagpadala ng emergency signal ang eroplano na nakaranas ito ng electrical fault. Nahati ang eroplano sa dalawa habang ang dulong bahagi ng eroplano ay wasak na wasak.
"This is a tragedy. we have pictures of the plane, which broke in two .
"There has been talk of more than 10 survivors, that's the important thing first is save the lives of those who are coming.
"We thank God the plane did not fall in an urban area because it could have been an even greater tragedy." pahayag ng Mayor ng Medellin na si Federico Gutierrez.
The Brazilian football team Chapecoense pictured on board a plane (Photo: Twitter)
Ang nasabing grupo ay nagmula sa syudad ng Chapeco sa Brazil. Nakapasok sila sa First Division ng Brazil noong 2014 at nakapasok sa final ng regional tournament sa South America’s matapos magwagi laban sa San Lorenzo ng Argentina.
Sila ay itinuturing na rising star ngayon sa football sa Brazil. Itinatag noong 1973, noong 2014 lamang ang mga ito nakapasok sa top division ng Brazil at sa kasalukuyan ay nasa ika-siyam na puwesto.
Maraming pagsubok na pinagdaanan ang grupo gaya ng pinansyal na muntik nang humarang sa kanilang pangarap, salamat sa tulong ng mga local businessmen, naabot nila ang tagumpay.
Itinuturing na mala Cinderella ang nangyari sa koponan dahil sa kabila ng pagiging underdogs, nakapasok ang mga ito sa finals ng Copa Sudamericana na magiging susi sana ng koponan para makapaglaro sa Copa Libertadores, ang pinakamalaking football competition sa South America.
.
“Friends of a lifetime were on the flight,” pahayag ni Plínio David de Nês Filhohe, chairman of the board ng club, sa Globo television channel sa Brazil. “When I said goodbye to them yesterday, they said they were going to try to make their dream a reality.
“That dream came to an end this morning.”
Danilo e Alan Ruschel, confirmados com vida, estavam juntos no voo #ForçaChape pic.twitter.com/dg4d0JJOvL— Esporte Interativo (@Esp_Interativo) November 29, 2016
71 patay sa pagbagsak ng eroplano, Brazilian football team sakay rin
Reviewed by Jhon
on
09:58
Rating:
No comments: