7 LINDOL naitala sa CEBU sa loob ng 6 na oras
MANILA - 7 lindol ang naitala sa isla ng Cebu ngayon Martes sa loob lamang ng 6 na oras. Ayon sa Philippine Institute for Volcanology and Seismology (Phivolcs) ang unang lindol ay tumama kaninang 3:41 ng madaling araw na may magnitude na 3.6.
This map from Phivolcs shows the epicenter of a magnitude 3.6 quake, the first of 7 tremors that rattled Cebu province today.
Nadama ang intensity 4 sa mga bayan ng Asturias, Busay at Cebu City. Intensity 3 naman ay naramdaman sa Mandaue at intensity 2 sa Lapu-lapu City.
Matapos lamang ang dalawang minuto ay agad na lumindol ng 4.8 magnitude sa Cebu. Limang mahihinang paglindol pa ang naitala noong 3:58, 4:41, 4:50, 6:17 at 9:13 ng umaga.
Ayon sa Philvolcs, tectonic umano ang pinagmulan ng lindol na nagmula sa Asturias.
Ayon kay Karen Garcia, Phivolcs research assistant, normal lamang umano na makaranas ng mahihinang pagyanig matapos ang isang malakas na lindol.
"Normal lang po iyun kasi medyo malakas po ang naunang incident," pahayag niya sa isang phone interview sa ABS-CBN News.
Walang natanggap na report ng mga nasirang ari-arian ang Philvolcs, dagdag ni Garcia.
7 LINDOL naitala sa CEBU sa loob ng 6 na oras
Reviewed by Jhon
on
06:18
Rating:
No comments: