Kilalanin ang kauna-unahang Aeta na nagtapos sa UP-Manila
Gumawa ng kasaysayan si Norman King sa pag-akyat sa entablado nang naka-tradisyonal na bahag bilang kauna-unahang Aeta na nakapagtapos sa University of the Philippines-Manila.
“Hindi lang ako ang umakyat du'n, parang kami nang lahat ng mga kapwa ko katutubo ang nag-represent du'n,” ani King.
Iskolar si King sa kursong Bachelor of Arts, Major in Behavioral Sciences. Hindi umano naging madali ang kaniyang pag-aaral.
“Maraming adjustments, di ko kinakahiya na madalas ako bumagsak noon sa Math.” pahayag ni King
Hindi naman maipaliwanag ng inang si Warlita King ang saya na naramdaman sa pagtatapos na kanyang anak.
“Kahit saang lupalop ng mundo, siya ang kauna-unahang Aeta na gumradweyt sa UP [Manikla],” pahayag ni Tomas King, lolo ni Norman.
Nais umanong ibahagi ni Norman ang natamasang tagumpay sa mga kapwa katutubo.
“Ang una kong gagawin, mag-focus ako to help ‘yung community ko. Maybe gagawa ng isang book about history ng mga Aeta kasi wala mang documented,” pahayag niya.
Wala rin siyang balak na mangibang-bansa at sa kasalukuyan, prayoridad niya ang tulungan ang kanyang pamilya, at magsilbing inspirasyon sa mga kabataang katutubong Aeta.
Kilalanin ang kauna-unahang Aeta na nagtapos sa UP-Manila
Reviewed by Jhon
on
09:33
Rating:
No comments: