Maureen Wroblewitz, kauna-unahang Pinay na nanalo sa 'Asia's Next Top Model'

Panalo sa season 5 ng Asia's Next Top Model ang 19-anyos na half German half Pinay na si Maureen Maureen Wroblewitz. Si Maureen ang kauna-unahang pinay na nanalo sa nasabing reality show.




Nagsuot si Wroblewitz ng isang puting mestiza na dinesenyuhan ng mga perlas bilang representasyon ng Pilipinas.
"That image is exactly what I wanted to see from you at the end of this competition," pahayag ni Cindy Bishop, isa sa mga judges.
"You delivered that quiet confidence, which showed that you have been soaking up everything we've been telling you, that you've been taking everything in and just completely laid it all out for us. And I am so, so happy to see that," dagdag pa niya.





Dahil sa panalo, nakamit ni Maureen ang kontrata sa London-based Storm Model Management. Lalabas din siya sa online cover ng Singaporian magazine na Nylon.

Ayon kay Maureen, ang kanyang pagsisikap sa naturang kompetisyon ay para umano sa kanyang ina na namatay noon 11 taong gulang pa lamang siya.

"She would have been so proud," pahayag niya.
Hindi naging madali ang kompetisyon sa dalagita. Sa kalagitnaan ng kompetisyon ay binully siya ng kanyang mga kakompetensya. Tinawag din siyang "pretty face with no skills." ni Clara Tan ng Indonesia. 
Her first best picture win from Episode 5.
Second Best Picture win from episode 8.
Her third Best Picture win.




Maureen Wroblewitz, kauna-unahang Pinay na nanalo sa 'Asia's Next Top Model' Maureen Wroblewitz, kauna-unahang Pinay na nanalo sa 'Asia's Next Top Model' Reviewed by Jhon on 07:55 Rating: 5

No comments:

Powered by Blogger.