How to DONATE directly to DSWD

Maraming akong nababawasang posts ng OFWs na nais umano nilang magdonate sa Department of Social Welfare and Development (DSWD). Kaya naman sinearch ko ang website ng ahensya at hinanap ang bank account details nila upang tayo ay makapag donate.

Naisip ko rin na sa halip na magpadala tayo ng pagkain, damit at iba pang bagay, ang mga ito ay maaatring maexpire at aabutin ng ilang buwan bago makarating sa Pilipinas. 

Tiwala rin ako na ang perang ating idodonate ay siguradong makararating sa mga taong nangangailangan at di mapupunta sa bulsa ng mga kurap na opisyal ng Gobyerno. 

Mga kababayan ko, tayo ay magkaisa, kahit konting halaga ay malaking tulong na sa mga taong nasalanta ng Bagyong Lawin. Ang bagyong lawin ay mas malakas pa sa Bagyong Yolanda subalit halos 12 lamang ang namatay. 

Ginawa po ng ating gobyerno ang kanilang makakaya upang maiwasan ang pagkawala ng maraming buhay, ngayon naman po ay magkaisa tayong lahat ng mga Pilipino upang matulungan at mabigyan ng bagong buhay ang mga nasalanta ng bagyo.

Papaubos napo ang budget ng Gobyerno na pwede nilang magamit sa taong ito. May pera tayo, pero hindi natin pwede galawin iyon, next year pa natin magagamit kahit yung perang ipapahiram sa atin ng China dahil ayon sa batas, pwede lamang gamitin ng Gobyerno ang budget na nakalaan sa taong ito....

Ito po ang bank account details ng DSWD


DEPARTMENT OF SOCIAL WELFARE AND DEVELOPMENT

 DOLLAR SAVINGS ACCOUNT

Account Name : DSWD FOREIGN DONATION
Account Number : 3124-0055-81
Swift Code : TLBPPHMMXXX
Bank Address : Land Bank of the Philippines, Batasan Branch, Constitution Hills, Quezon City


PESO SAVINGS ACCOUNT

Account Name : DSWD DONATION FUND
Account Number : 3122-1011-84
Bank Address : Land Bank of the Philippines, Batasan Branch, Constitution Hills, Quezon City

Source: http://www.dswd.gov.ph/
How to DONATE directly to DSWD How to DONATE directly to DSWD Reviewed by Jhon on 08:18 Rating: 5

No comments:

Powered by Blogger.