1M pabuya sa makakapagturo sa LOVER ni DELIMA na si RONNIE DAYAN

MANILA, Philippines – Magkakaloob ang Volunteer Against Crime and Corruption (VACC) ng hala­gang P1 milyon pabuya sa sinumang makapagtuturo sa kinaroroonan ni Ronnie Dayan, ang dating driver/bodyguard ni Sen. Leila de Lima.



Ito ang pahayag nina VACC founding Chairman Dante Jimenez at Atty. Ferdinand Topacio sa ginanap na forum sa Quezon City. Ipinakita nila ang isang kahon na naglalaman ng 10 bundle ng tig-isang daang libong piso.
"This P1 million is for information leading to the arrest of Mr. Ronnie Dayan y Palisoc who is the subject of a warrant of arrest from the House of Representatives for contempt on the Committee on Justice for failing to appear despite proper service of subpoena," ani Topacio. .

Ayon kay Atty. Topacio, nagtulong-tulong umano ang mga negosyante upang mabuo ang nasabing halaga.
"May isa akong kaibigan, actually dalawa na nagsabing, 'Bakit hindi tayo magkaroon ng reward para kay Dayan?' Nag-pledge sila P100,000... Nag-uusap lang kami over dinner... tapos nag-snowball, naging P1 million," dagdag pa ni Topacio.
Nakikipagtulungan narin umano sila sa Philippine National Police - Criminal Investigation and Detection Group (PNP-CIDG) para sa magiging proseso.
Close ad X

Nakikipagtulungan na rin anya sila sa CIDG para doon makipag-ugnayan ang sinumang may impormasyon para kay Dayan. Tiniyak naman ni Topacio na walang dapat na ikatakot ang sinumang magtuturo dahil poprotektahan anya nila ang mga ito.
"May protocol sila diyan. They will setup a hotline, and then lahat ng informants will be assigned a codename," 
"I will entrust the CIDG in informing me na itong tao na ito ang siyang nagbigay ng impormasyon leading to the arrest of Ronnie Dayan, doon mismo ibibigay ang cash,"paliwanag ni Topacio.

Naniniwala ang VACC na nasa bansa pa si Dayan dahil wala pa sa rekord ng Bureau of Immigration na nakaalis na ito ng bansa.
1M pabuya sa makakapagturo sa LOVER ni DELIMA na si RONNIE DAYAN 1M pabuya sa makakapagturo sa LOVER ni DELIMA na si RONNIE DAYAN Reviewed by Jhon on 10:51 Rating: 5

No comments:

Powered by Blogger.