De Lima INAMIN nang TOTOO ang relasyon nya kay DAYAN

Inamin na rin sa wakas ni Senador Leila de lima na nagkaroon sila ng relasyon ng kanyang da­ting driver at bodyguard na si Ronnie Dayan.
Nang tanungin kung bakit siya na inlove sa kanyang driver sa kabila ng kanyang status ay dahil umano ito sa “frailties of a woman” o kahinaan ng isang babae.
Inamin nya lahat ng ito sa exclusive interview ni Winnie Monsod sa program nitong “Bawal ang Pasaway kay Mareng Winnie” na inire kagabi sa GMA News TV.
Ayon sa senadora tumagal ng “A few years” ang relasyon nilang dalawa. Matagal narin umanong hiwalay si Dayan sa asawa at nakipaghiwalay na siya rito bago paman sya tumakbo sa pagkasenador.



Inamin din nyang nagbigay sya ng tulong pinansyal kay Dayan subalit idiniin na hindi sya ang gumastos sa pagpapagawa ng bahay niya sa Pangasinan.
"We became so close. That's it. I trusted him. Siyempre, naano po ang loob ko," pahayag niya.
Matatandaang si dayan ang tinuturong Bagger o tagakuha ng pera ni De Lima mula sa mga drug Lords sa loob ng New Bilibid Prison.
"Siguro po ako sa sarili ko 100 percent na wala akong tinatanggap at wala akong papayagan na maging bag man ko [kahit] sino man siya," dagdag pa niya.
Simula nang kumalat ang kontrobersiya ay hindi na muling nagpakita si Dayan sa kanyang tirahan sa Urbiztondo, Pangasinan.
Sa isang hearing sa kamara, inilantad ng dating bodyguard ni de Lima na si Joenel Sanchez na naghiwalay umano sina Dayan at ang senadora noong March 2015 matapos umanong magselos si Dayan sa bagong bodyguard ni de Lima na kinilalang si Warren Cristobal.

De Lima INAMIN nang TOTOO ang relasyon nya kay DAYAN De Lima INAMIN nang TOTOO ang relasyon nya kay DAYAN Reviewed by Jhon on 08:49 Rating: 5

No comments:

Powered by Blogger.