16-anyos na estudyante, hinoldap, sinaksak ng 40 beses

BAGUIO – Patay matapos saksakin ng 40 beses ang isang estudyante sa Baguio City Martes ng gabi. Tumamo  ng 40 na saksak sa leeg, dibdib at iba pang parte ng katawan ang biktima.
Natagpuang duguan ng mga residente ng Barangay Labsan ang biktimang kinilalang si Kenneth Velasco malapit sa isang public high school. Agad naman siyang dinala sa Baguio General Hospital subalit idineklarang dead on arrival ng doktor. 



Ayon sa pulisya, maaaring biktima ng panghoholdap ang biktima dahil nawawala ang cellphone at pera nito na nagkakahalagang 200 piso.
"Parang maliit yung mga saksak sa katawan nung bata nung nakita namin. Baka maliit na knife or ice pick yung ginamit," pahayag ni Dr. Haywood Fernandez.
"Wala naman siyang kaaway. Di siya kasama sa frat. School at bahay lang talaga siya. Sana sa gumawa nito makonsensya ka. Di mo na lang iniwan yung anak ko ng buhay," pahayag ng ina ni Kenneth na si Claire Velasco.
"Sinabi ko sa kanya na wag siyang dadaan 'dun dahil delikado. Kinwento niya kasi na may mga kaklase siyang na hold-up na doon. Kaya sabi ko wag na wag siyang dadaan dun, pero nagtaka ako bakit siya dumaan dun,” 
Iniimbistigahan parin ng otoridad ang karumal dumal na insidente.
16-anyos na estudyante, hinoldap, sinaksak ng 40 beses 16-anyos na estudyante, hinoldap, sinaksak ng 40 beses Reviewed by Jhon on 08:45 Rating: 5

No comments:

Powered by Blogger.