17-anyos na inalok maging modelo, nawawala

MANILA - Pinaghahanap ngayon ng kanyang pamilya ang dalagitang si Melissa Magracia, 17-anyos na babae mula Cavite. 

Ayon sa report nagpaalam umano si Melissa na makikipagkita sa isang taong nakilala lamang sa pangalang "Lric Mohika", na nag-alok umano sa kanya ng trabaho bilang modelo.



Ayon sa sumbong ni Bing Magracia sa Indang, Cavite police, nakilala ng kanyang anak si Mohika sa isang social networking site. Sinumbong na rin ng pamilya ang pangyayari sa Philippine National Police Anti-Kidnapping Group.

Hindi na umano makontak ang telepono ng biktima, maging ag facebook account nito ay deactivated narin.

Sinumang may impormasyon sa biktima ay makipag-ugnayan agad sa pulisya.
17-anyos na inalok maging modelo, nawawala 17-anyos na inalok maging modelo, nawawala Reviewed by Jhon on 01:43 Rating: 5

No comments:

Powered by Blogger.