Pinay Beauty Queens, nagwagi sa "The Amazing Race Asia"

MANILA —  Nagwagi sa fifth season ng "The Amazing Race Asia" ang Pinay beauty queens na sina Maggie Wilson at Parul Shah.
Sina Wilson at Shah ay nakatanggap ng $100,000 (P5 million) premyo. Sina Yvonne at Chen ng Malaysia ay runner-up, habang ang dating "It's Showtime" host na si Eric Tai at asawa niyang si Rona Samson ay nasa ikatlong pwesto.


Ito na ang pangalawang pagkakataon na nagwagi ang representative ng Pilipinas sa nasabing palaro. Noong nakaraang taon lang ay ang best buddies na sina Richard Herrera at Richard Hardin ang nag-uwi ng titulo.
Sa isang interview ng ABS-CBN News bago magsimula ang race, sinabi ng dalwa na ang premyo ay mapupunta umano sa pambayad sa hospital bill ng ama ni Shah. 
"My dad just had a stroke. He had a couple of strokes and apparently, while on the race he had another one," pahayag ni Shah.
Pinay Beauty Queens, nagwagi sa "The Amazing Race Asia" Pinay Beauty Queens, nagwagi sa "The Amazing Race Asia" Reviewed by Jhon on 03:07 Rating: 5

No comments:

Powered by Blogger.